Typhoon Pepeng has weakened into a tropical storm; it was sighted 230 kilometers northwest of Laoag City. It is expected to remain stationary for the next three days according to Nathaniel Cruz of PAGASA. It dumped an estimated 402.6 mm of rain in Laoag City Ilocos Norte and 417.3 mm of rain in Vigan, Ilocos Sur during the same 24-hour period ( from 8 a.m. of October 4 to 8 a.m. of October 5).
It seems that Pepeng is still in the Philippine territory, right Segundina?
On the other hand PAGASA announced the coming of a new typhoon locally code named Quedan (international name Melor) which is expected to enter the Philippine area of responsibility by noon Monday. The new typhoon packs a maximum sustained winds of 205 kilometers per hour and gusts of up to 250 kph.
Ang Bagyong Segundina
Noong bata pa ako ang lahat ng mga dumarating na bagayo ay ipinapangalan sa isang babae. Tinanong ko ang aking magaling na ninong, si Inspector Asyong (Livestock Inspector ng BAI noong araw) kung bakit walang bagyo na ipinapangalan sa pangalan ng mga lalaki. Napaisip ang genius kong ninong na kamukha pa ni Rizal kaya marami siyang Maria Clara sa buhay. Akala ko ang sasabihin ay dahil sa pabago-bago ang isip nito kagaya din ng pabago-bago niyang direksiyon. Naitanong ko na kasi kay Mr. Calauang (pronounced as kalawang) ang aming industrial arts teacher at pabago-bago nga raw ang ihip (o isip) nito. Mali ako. With authority ito ang sinabi ni ninong: “Kapag ipinangalan mo sa lalaki ang bagyo, lahat ng mga puno ay matutumba at pati ang mga bundok ay magigiba.” Matalinhagang magsalita si ninong kaya hindi ko siya nasasakyan kaagad sa mga sinasabi niya lalo na kung lasing.
Matagal nang namayapa si ninong at parang kasing tanda ko na rin nang tanongin ko siya; kaya napapaisip naman ako. May katotohanan ba ang sinabi ng aking magaling na ninong? Ang alam ko kasi lahat ng mga technique sa panliligaw na itinuro niya sa akin ay puros tumama. Kaya nga napangasawa ko si Tisay na noon ay ipapakasal na lang sa isang anak mayaman. Pero ang tungkol sa pangalan ng bagyo na gawing pangalan ng lalaki ay hindi ako sigurado kung totoong dodoble ang lakas nito. Mali na naman ako. Hindi ko dapat pinagdudahan ang sinabi ng genius kong ninong. Tignan mo naman ang hagupit ni Ondoy, binaha niya ang mga bayan at siyudad at giniba pati ang mga bundok sa landslide.
Kaya ibalik natin muli ang mga pangalan ng bagyo sa pangalan ng babae. Mas maigi na ito kaysa danasin na naman natin ang malakas na hagupit ng isang bagyong ang pangalan ay Pepeng. Duda nga ako sa paliwanag ni Colegiala kung bakit niya tinawag ang bagyong Pepeng na Pepeng mabaho at Pepeng malaki. Pero hindi na ito mahalaga, ibalik na lang natin sa pangalang babae ang lahat ng mga bagyo. At least dahil pabago-bago ang kanilang ihip o isip, kadalasan ay hindi sila tumutuloy sa atin. Utang na loob hirap-na- hirap na ang Pilipinas, di ba mareng Chi? Lalong nauunano ang paglago ng ating ekonomya tuwing tayo’y nasasalanta ng mga dumarating na bagyo.
Pero may mga darating pa raw na bagyo sa ating bansa (mabuti kung ang ibig sabihin ng bagyo ay sexy) at muling masasalanta ang ating mga ari-arian at mga pananim. Iyan naman ang inanunsiyo sa atin ng PAGASA at ang Matang Lawin na anak ni DENR Secretary Lito Atienza. Sabi naman ng gungong na si Banong ay bakit hindi na lang daw sa Malacanang bumisita para masaya. Puwedi ba iyon? Gusto ba ninyong mapinsala ang tahanan ng mahal nating pangulo? Huwag naman ganoon… Kaya kung may darating man ay gusto kong ipangalan ito sa isang babae.
Sa darating na bagyo dalawa lang na pangalan ang pinagpipilian ko na ipangalan. Bagyong Mer, o Bagyong Segundina. Mga magaganda at kapwa “bagyo” talaga ang katawan. Kaso may pagkakaiba sa ugali, iyong isa ay pinong-pinong magsalita at kumilos. Pero iyong pinakabata sa kanila ay may pagkabutangera, hehehe. Kaya out na siya sa aking pinagpipilaan.
Bagyong Segundina, iyan ang gusto kong ipangalan sa susunod na bagyong daratin. Mahinhin, pinong magsalita, ngunit may kapilyahan nga lamang (sa pagba-blog lang). Sa halip na malakas na ulan ang papatak ay ambon lamang. At kung sa lakas ng hangin ang pag-uusapan ay bugang bentilador lamang. Kahit ilagay mo pa sa signal number 5 ang Metro Manila ay di ka manganganib.
Kaso, may kapilyahan si Segundina. Laging nasa loob ang kulo, hehe. Kagaya ng nasabi ng ninong ko (ewan ko kung sang-ayon kayo) pabago-bago daw ang takbo ng isip ng isang babae. Kaya ito ang peligro, papaano na lang kung magbago ang isip, este ihip ng hangin ni Bagyong Segundina? Sa halip na ambon ay torrential rain ang papatak. Sa halip na bugang bentilador lamang ay tornado na ang hatid na hangin ni Bagyong Segundina? Sa halip na wala nang pagbaha pa ay may rumaragasang tubig na naman galing sa mga dams at kabundokan. Kawawa naman itong mga bagong kasal baka sa mga evacuation centers pa nila ipagpatuloy ang kanilang honeymoon.
Pero, teka, huwag na lang kaya. Masyadong malikot kasi ang imahinasyon ni Segundina. Baka mamaya iyong darating na Bagyong Segundina ay malikot din ang imahinasyon. Sa halip na bubungan ang liliparin ng hangin ay iyong mga underwear lang na suot ng mga kalalakihan at mga kababaihan from Mega Manila to Malacanang. Matutuwa si Doc.bobonyo dito at may idea na siya tungkol kina Adan at Eva sa Paraiso.
No comments:
Post a Comment